PNP, tiniyak na ipatutupad ang lahat ng precautinary measures upang matiyak ang mapayapang SONA sa Lunes

Tinyak ng Philippine National Police na kanilang ipatutupad ang lahat ng precautionary measures upang matiyak ang mapayapang State of Nation Address (SONA) ng Pangulo sa Lunes.

Ayon kay PNP Chief Gen. Rommel Francisco Marbil, hindi nila isinasantabi ang anumang attempt ng kaguluhan sa araw ng SONA.

Read More:  Duterte defense opposes ICC request to inspect seized items

Iginiit ng opisyal na po-protektahan ng PNP ang Pangulo at ang taumbayan.

Samantala, sinabi ni Marbil na bukas ang PNP na makipagdayalogo sa mga militante para ipagbigay alam ang mga proyekto ng gobyerno

Read More:  VP Sara impeachment trial could last up to 8 months, says Gatchalian

Pinatutukan din ni Marbil sa mga pulis na magbabantay sa SONA ang lagay ng trapiko.

Ito’y para maiwasan ang “inconvenience” ng mga tao sa dami ng deployment ng mga pulis.