Phivolcs- Bicol, ipinaliwanag ang magkakasunod na lindol sa Camarines Sur

CAMARINES SUR- Dalawang mahihinang magkasunod na lindol ang naitala ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs) sa Camarines Sur nitong Martes at Miyerkules.

1.8 Magnitude ang naitala sa   kanluran ng Lagonoy alas 3:04 ng madaling araw nitong Miyerkules habang 2.8 Magnitude naman sa Kanluran ng Garchitorena  noong Miyerkules ng tanghali.  Maliban pa ito sa malakas na pagyanig sa Silangan ng Pamplona nitong July 12.

Read More:  30 arrested in raid on alleged Atong Ang-linked e-sabong hub in Negros Occidental

Sa panayam ng Brigada News FM Naga kay Dr. Paul Alanis ng Phivolcs-Bicol ipinaliwanag nito na tectonic ang origin ng mga lindol o paggalaw ng faults. May mga fault zones sa Bicol at ang pinaka aktibo ang Philippine Fault Zone, dumadaan naman sa Camarines Sur ang mga sanga nito. Posible aniyang may adjustment ang fault zones.

Read More:  20 Chinese nationals held in Davao anti-illegal mining ops

Kailangan maging alerto dahil hindi naman nababatid kung kailan tatama ang malakas na lindol. Pinalalahanan din ang mga nasa coastal area na laging magmatyag sa kondisyon ng dagat kung may malakas na lindol dahil puwede itong maging sanhi ng tsunami.