PNP, tiniyak na bantay-sarado ang isasagawang bilangan at proklamasyon ng winning prexy, VP

Hindi magbababa ng alerto ang Philippine National Police para masigurong bantay-sarado pa rin ang lahat ng mga post-election activities, hanggang sa proklamasyon ng mga mananalong susunod na presidente at bise presidente ng republika ng Pilipinas.

Ayon kay PNP Directorate for Operations at deputy commander ng Special Task Force Elections Maj Gen Valeriano de Leon, nagpapatuloy pa rina ng isinasagawa nilang monitoring para mga posibleng karahasan at kaguluhan ngayong election season.

Read More:  DSWD assures readiness during Habagat season

Inilatag na rin ang security plan nito para sa mga tauhan ng pulisya na magbabantay mula sa paghahatid ng balota sa Lunes pati na rin ang canvassing na gagawin sa Kamara.

Read More:  New DOLE Chief Tolentino vows stronger labor safety enforcement

Sa ngayon, nakahanda pa rin ang buong puwersa ng PNP para sa mga posibleng panggugulo ng ilang mga grupo para tutulan ang naging resulta ng bilangan.
#