Palasyo, ipauubaya na sa COMELEC na patunayang walang dayaan sa eleksyon

Tiniyak ng Palasyo na kayang patunayan ng Commission on Elections na walang nangyaring hokus pokus sa national and local elections.

Ito ay makaraang ilabas ng International Observers Mission o IOM ang kanilang obserbasyon kung saan ay sinabi nilang hindi raw naging patas ang halalan, at nagpatuloy pa rin ang talamak na pandaraya sa porma ng vote-buying.

Read More:  Tarriela condemns Chinese media’s ‘monkey’ video allegedly depicting the Philippines

Sinabi pa rito na nabahiran ng kabi-kabilang mga iregularidad, karahasan, at red-tagging ang eleksyon.

Pinalagan ito ni acting Presidential spokesperson Sec. Martin Andanar at sinabing ipauubaya na nila sa poll body ang mga hakbang para alisin ang mga duda’t alegasyon sa eleksyon.

Read More:  PSA reports rise in working children in 2025

Sinegundahan ni Andanar ang naging pahayag ni Pangulong Rodrigo Duterte noong Mayo a-onse kung saan ay sinabi nitong walang mga naitalang iregularidad sa botohan.

Wika ni Andanar, i-respeto na lamang ang naging resulta ng halalan, at bigyan ng tiyansa ang mga nahalal na kandidato para tuparin ang kanilang mga plataporma.
#