PNP tiniyak ang seguridad sa mga bagong testigo kaugnay sa nawawalang mga sabungero

Kinumpirma ng Philippine National Police na may hawak silang mga bagong testigo kaugnay sa kaso ng mga nawawalang sabungero.

Ayon kay PNP Spokesman PCol. Jean Fajardo umaasa silang makapagbibigay ng linaw ang mga testimonya ng mga saksi.

Read More:  Zubiri apologizes to Inday Badiday’s family

Tiniyak naman ni Fajardo na magbibigay sila ng seguridad sa mga bagong testigo na maghahayag ng kanilang nalalaman kaugnay sa mga nawawalang indibidwal.

Aminado naman ang PNP official na isa sa mga hamon sa ginagawang imbestigasyon sa kaso ay ang hindi pakikipagtulungan ng ilang mga nakasaksi sa kremin.

Read More:  Ombudsman files plunder case against Jinggoy Estrada

Posible umanong may ‘takot factor’ sa hindi pagsasalita ng ilang testigo lalo’t nabanggit ang ilang malalaking pangalan kasabay sa paglawak ng imbestigasyon sa kaso ng biglaang pagkawala ng mga sabungero.