Makikipagtulungan ang Philippine National Police sa iba’t ibang ahensya ng pamahalaan upang masiguro ang seguridad sa filing ng Certificate of Candidacy para sa 2025 midterm elections.
Ang Filing ng COC ay magsisimula bukas at magtatagal hanggang sa October 8.
Ayon kay PNP Chief Gen. Rommel Francisco Marbil, nananatili ang kanilang focus sa kaligtasan ng publiko at integridad ng eleksyon.
Nauna nang inatasan ni Gen. Marbil ang lahat ng police units sa bansa na maging alerto at sundin ang kanilang “quad principle.”
Paalala rin niya sa mga pulis na manatiling “political neutral” at huwag magpadala sa impluwensiya ng mga pulitiko.