PNP, tiniyak ang proteksyon sa mga dating rebelde na maga-avail ng amnesty program ng pamahalaan

Tiniyak ng Philippine National Police (PNP) ang proteksyon sa mga dating rebelde na maga-avail ng amnesty program ng Pamahalaan.

Sa Ceremonial Signing ng kasunduan sa pagitan ng ng National Amnesty Commission (NAC) at PNP, sinabi ni PNP Acting Deputy Chief for Operations, PLtGen. Michael John Dubria, magbibigay sila ng proteksyon sa mga dating rebelde na mayroon lamamg safe at provisional conduct pass na i-issue ng NAC.

Paglilinaw ni Dubria, ipatutupad pa rin ng PNP ang warrant of arrrest para naman sa mga krimen na hindi saklaw ng amnestiya gaya ng mga may nakabinbin na kaso sa korte.

Sinabi naman ni NAC Chairperson Atty. Leah Tanodra Armamento, na handa silang magbigay ng legal assistance sa mga rebeldeng magbabalik-loob sa batas sa panahong mag apply sila ng amnestiya mula sa pamahalaan.

Kung matatakot din magpunta ng personal ang isang rebelde para mag i-apply ng safety conduct pass ay maaari nila itong i-utos sa sinumang kaanak o authorized representative.

Kasunod nito, mismong NAC na rin daw ang pupunta sa kanila para iproseso ang aplikasyon.

Ito’y upang mapanatag ang kanilang kalooban na hindi sila aarestuhin habang pinoproseso ang kanilang aplikasyon.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *