Kongresista, nanawagan sa Filipino-Chinese community na magsalita na laban sa POGO

Umapela si Surigao del Norte Second District Representative Robert Ace Barbers sa Filipino-Chinese community na magsalita na rin laban sa ilegal na aktibidad sangkot ang Philippine Offshore Gaming Operators o POGO sa bansa.

Ayon kay Barbers, dapat patunayan ng mga Filipino-Chinese ang kanilang katapatan sa bansa sa pamamagitan ng pagpapahayag ng pagtutol at pagkondena sa pagkakasangkot ng mga Chinese sa ilegal na droga pati na ang nangyayari sa West Philippine Sea.

Kung talagang itinuturing aniya ng mga ito na sila ay Pilipino at talagang may malasakit sa bansa, dapat ay magsalita na sila sa halip na paratangan na “sinophobics” ang mga nagpapahayag laban sa Chinese illegal activities.

Read More:  Sen. Bato’s camp calls for respect for ex-PNP chief’s human rights

Punto ng kongresista, kung mananahimik lang ang Filipino-Chinese community ay batid na kung saan sila naninindigan.

Kaisa rin si Barbers sa mga panawagan sa gobyerno na ideklara na ang mga POGO bilang national security threat upang tuluyan nang maipatupad ang total ban sa Pilipinas.

Read More:  Teachers’ Group again calls for proper implementation of education programs

Magmula noong taong 2017 ay wala umanong nagbago at lalo pang lumala ang mga krimen sangkot ang POGO na galing sa mainland China kahit sabihing lumikha ito ng trabaho at nagbabayad ng buwis.

Dagdag pa nito, kahit pabanguhin pa ng PAGCOR ang POGO sa pamamagitan ng pagpapalit ng pangalan ay negatibo pa rin ang magiging epekto sa lipunan at hindi na mabubura ang legasiya ng murder, torture, kidnapping for ransom, rape, prostitusyon at paggamit ng drug money.