PNP, tiniyak ang kaayusan sa Makati Park and Garden

Tiniyak ng PNP ang pagpapatupad ng kaayusan sa pinag-aagawang Makati Park and Garden na nasa sa Brgy. West Rembo.

Ito’y matapos mabalot ng tensyon dahil sa pagpapasara dito dahil sa kakulangan umano ng permit.

Ayon kay PNP Public Information Office Chief PCol Jean Fajardo na nakipag-ugnayan na sila sa Makati at Taguig Police para sa isyu ng seguridad.

Read More:  ICC confirms rare “fall” incidents involving former PRRD in detention

Maliban dito ay nakipag-ugnayan na rin anya sila sa parehong Local Government Unit.

Paliwanag nya, wala sila sa posisyon para makialam sa isyu ng agawan dahil concern ito ng 2 LGU.

Read More:  Comelec targets reopening of voter registration in Feb 2027

Kaya naman, ang magagawa lang nila ay ipanatili ang presensya ng mga pulis para mamagitan.

Dagdag pa ni Fajardo, sakaling may magpumilit na pumasok sa isinarang parke at magkaroon ng gulo, handa silang ipatupad ang batas depende sa magiging paglabag.