Suspek sa pagpatay sa hipag, dahil sa lupa, kinasuhan na; pamilya, hustisya ang sigaw

CAMARINES SUR – Pagpatay o murder ang kasong isinampa sa 44 taong gulang na suspek na si Joselito Panuelos y Rito, ng  Brgy. Gimaga, Goa, Camarines Sur, matapos tagain at patayin ang hipag na biktimang si Rebecca Panuelos , magsasaka at residente  Brgy. Matacla parehong bayan.

Sa panayam kay PMAJ Rodolfo Borromeo, Chief of Police ng Goa Municipal Police Station, matagal nang may alitan ang maghipag dahil sa lupa na magmamay-ari ng pamilya ng mga panuelos, at ilang beses na rin nagkausap sa barangay. Subalit noon ngang Marso 2 ng hapon, habang ang biktima naglilinis ng fishpond na pagmamay-ari umano ng suspek na inaangkin  naman umano ng biktima dahil sa nabili niya na ito, pumunta dala ang bolo, nang komprontahin ang alalay kaya lamang ang biktima na ang lumapit, nagkaroon ng argumento at doon na tuluyang tinaga saka pinugutan ang biktima, matapos ang insidente saka ito sumuko sa mga otoridad.

Read More:  Young motorists continue illegal street racing in General Santos City
Read More:  Aklan SB member’s home attacked in midnight shooting

Naka-usap naman ng BNFM Naga ang suspek, ayon dito, dati nang tinanggalan ng tubig ang fishpond na negosyo niya kung saan nalugi at nang araw na iyon inisip niyang ma-uulit ang insidente kaya hindi niya na napigilan ang sarili.

Salamantala, hustisya ang hinihingi ng pamilya sa nangyari, at ilan sa sinasabe ng suspek pinapawalang katotohanan ng pamilya ng biktima.