Guidelines ng 2nd dose ng booster shot para sa seniors, baka ‘after election’ na maisapinal – DoH

Posibleng pagkatapos pa ng halalan pormal na mailalabas ang rekumendasyon para sa pagtuturok ng second dose ng booster shots para sa mga senior citizens.

Sa isang panayam, sinabi ni Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire na aabutin pa ng isang linggo bago maisapinal ang guidelines mula sa HTAC.

Read More:  Acidre brands Imee Marcos video ‘political vandalism’

Sa ngayon kasi, immunocompromised sector pa lang din ang pinapayagan para sa ika-apat na dose nito.

Sa huli, muling nanawagan ang health official sa publiko na magpa-booster na dahil hanggang sa ngayon ay mababa pa rin ang turnout ng vaccination para sa booster shots.

Read More:  Remulla rebukes Bondoc over ICC warrant service

Aniya, bagamat mababa ang mga kaso ngayon ng COVID-19, mas makabubuti pa rin kung palakasin ang proteksyon lalo na’t nagwe-wane o humihina ang immunity ng bakuna.
#