PNP: sunud-sunod na krimen sa bansa, na-hype lang sa social media

Naniniwala si Philippine National Police chief Gen. Rodolfo Azurin Jr. na hindi totoong lumala ang sitwasyon ng kriminalidad sa bansa.

Ito ay makaraan ang sunod-sunod na mga pagpatay na naitala sa iba’t ibang bahagi ng bansa pati na rin ang mga napa-ulat na abductions.

Sa pagdalo ni Azurin sa isang event sa Pampanga, sinabi nitong malaki ang naging papel ng social media para ma-hype ang sitwasyon.

Read More:  BI proposes P247 airport fee for security modernization

Paliwanag nito, nagkaroon daw ng ‘sensational urge’ sa social media ng mga napapaulat na crime incidents sa bansa.

Aniya, ang ilan sa mga ito ay naresolba na ng mga PNP units.

Rehash lang din umano ang ilan sa mga ito, ‘o ‘di kaya nama’ay mga maling balita.

Read More:  Gatchalian elected Senate President Pro Tempore

Una nang iniulat ng BrigadaNewsFM Pampanga na inisa-isa ng PNP chief ang patuloy na pagbaba ng crime index sa bansa.

Bago ito, sinabi na sa panayam kay PNP spokesperson Col. Jean Fajardo na hindi magkakaugnay ang mga sunud-sunod na killings at abductions sa bansa.

Hindi umano ito maiuugnay sa iisang grupo, at wala ring maituturing na isang serial killer.
#