Dinepensahan ni Senador Alan Peter Cayetano ang pagiging minority leader nito sa Commission on Appointmentes.
Ito ay makaraang punahin ni Senadora Risa Hontiveros ang election ni Cayetano sa naturang puwesto sa Senado.
Matatandaan kasing sina Hontiveros at Senador Koko Pimentel lamang ang mga lehitimong miyembro ng Senate Minority bloc habang si Cayetano at ang kapatid nitong si Senadora Pia Cayetano ay ikinokonsidera ang kanilang sarili bilang bahagi ng ‘independent bloc’.
Ayon kay Cayetano, mayroon pa rin itong karapatang mahalal bilang minority leader ng makapangyarihang appointment body ng Kongreso.
Nanindigan din itong handa siyang i-representa ang opisisyon at mahimay nang mabuti ang mga appointees ng administrasyong Marcos.
Aniya, noon pa man ay lagi na siyang miyembro ng CA at mas ‘experienced’ na ito lalo na’t naging dati na rin itong Kalihim ng Gabinete.
Hindi na raw dapat ito gawin pang isyu dahil hindi naman nito kasalanang walang nag-nominate kay Hontiveros.
#