Hindi pa rin inirerekumenda ng Department of Health na magkaroon ng lockdown sa ibang bahaig ng bansa sa gitna ng ika-apat na kaso ng monkeypox sa Pilipinas.
Ito ay makaraang sabihin ng ilang mga provincial health offices na handa na silang mag-lockdown para maiwasan ang pagkalat nito sa kani-kanilang mga lalawigan.
Sa payahag, sinabi ng DOH na hindi pa rin kinakailangang magpatupad ng lockdown sa mga lugar na mayorong kumpirmadong kaso nito kabilang na ang Iloilo.
Sa ngayon umano ay na-tukoy na ang mga close contacts ng case no. 4 at naka-quarantine na.
Tiniyak din ng DOH na mayroong mga nakalatag na preventive measures para hindi na ito kumalat pa.
Samantala, hindi pa rin makumpirma ng DOH kung mayroon na bang local transmission.
Una na kasing iniulat ng health officials na ang case no. 4 ay walang travel history sa mga bansang may confrimed case ng monkeypox.
Nagpapatuloy pa rin umano ang pagve-verify ng DOH dito at tinutunton pa rin ang source ng infection.
#