Sinagot ng Philippine National Police (PNP) ang naging hamon ni dating Pangulong Rodrigo Duterte na mag-resign ang lahat ng mga pulis, kasabay ng pag-aakusa na ang hanay ng kapulisan ay isang ‘gatekeeper’ ng illegal drugs sa bansa.
Nanindigan ang PNP na ang kampanya nila kontra sa ilegal na droga ay nananatiling agresibo, at sa buwan pa lamang ng Enero ay nakasabat na ang mga ito ng kabuoang P6.2 halaga ng droga, at nakaaresto ng kabuoang 25,641 na indibidwal.
Ayon sa ahensya, ang naturang bilang ay patunay na mayroon silang epektibong anti-crime strategies at programa.

Hindi rin umano tumitigil organisasyon sa pagbibigay ng ligtas na environment sa bawat Pilipino, at isang healthy economic environment sa business sector.
Mababatid na una nang inihayag ni Duterte na sasabihan niya ang mga pulis na i-surrender ang kanilang mga armas, at hayaang militar ang mag-take over sa kampanya laban sa illegal drugs. //SM, edited MHEL PACIA