PNP, pinag-aaralan ang video habang nasusunog ang SUV na sinakyan ng nawawalang beauty queen

Pinag-aaralan na ng Philippine National Police ang video na ipinadala sa Philippine National Police na makakatulong umano sa imbestigasyon sa pagkawala ng beauty queen na si Geneva Lopez at ang kanyang Israeli boyfriend na si Yhshak Kohen.

Read More:  Flood control probe pushes through, Baligod and 18 ‘Ex-Marines’ invited

Ayon sa PNP, malaki ang maitutulong ng video na nasusunog na sasakyan para malaman kung saan nagsimula ang sunog.

Tila consistent umano sa mga nakuha nilang ebidensiya sa mga nasunog na sasakyan.

Nawala ang magkasintahan matapos umanong puntahan ang kanilang bibilhin sa Capaz Tarlac.

Read More:  DA issues notices to 36 rice retailers for violating imported rice price cap

Samantala, negatibo naman sa flammable substance ang mga debris na kinolekta sa nasunog na sasakyan.

Pero hindi pa rin inaalis ng mga otoridad ang posibilidad na sinadya ng sunog.