PNP, pinaalalahanan ang publiko na ‘wag mag-panic

Tuluy-tuloy pa rin ang paalala ng Philippine Naitonal Police sa publiko na ‘wag mag-panic matapos ang serye ng pagpapasabog sa Mindanao.

Ginawa ni PNP Directorate for operations Police Maj. Gen. Val de Leon ang panawagan matapos ang kambal na pagpapasabog sa Tacurong at sa Koronadal nong nakaraang linggo, at ang bombing sa isang terminal sa Isabela City.

Read More:  New DOLE Chief Tolentino vows stronger labor safety enforcement

Ayon kay de Leon, ‘on top of the situation’ pa rin ang PNP at mga tropa ng AFP sa mga insidenteng ito.

Binuo na rin ang Special Investigation Task Group para maimbestigahan ang mga bombing sa Mindanao at mapanagot ang mga nasa likod nito.

Read More:  BOC disposes remaining vehicles linked to Discaya couple

Sa ngayon, tuluy-tuloy pa rin ang isinasagwang assesment ng PNP at ng PRO-9 para malaman kung ano ang mga pagkukulang ng kanilang hanay at matukoy kung bakit mayroong nakalusot sa kanilang intelligence gathering.
#