DOJ Secretary, kumbinsidong naibalik ng kanyang panunungkulan ang tiwala ng publiko sa justice system sa bansa

Kumbinsido si outgoing Justice Secretary Guevarra na naibalik nila ang tiwala ng publiko sa justice department sa bansa.

Giit ni Guevarra, ipinatupad ng DOJ ang batas nang tama at iginalang ang human rights sa ilalim ng kanyang panunungkulan.

Read More:  LTFRB reviewing measures amid looming fuel price increase

Sinabi ni Guevarra na noong pamunuan niya ang DOJ noong 2018, target niyang maibalik ang public trust sa justice department

Ayon kay Guevarra, sa survey sa mga government agencies noong 2021, nakuha ng DOJ ang trust rating na 67%.

Read More:  Angel Locsin criticizes Padilla following his admission that he is a communist

Ito aniya ang maituturing na major achievement ng kanyang panunungkulan sa DOJ.

Samantala, nakatakda naman ang pulong niya kay incoming Justice Secretary Jesus Crispin Remulla sa Huwebes, June 9.(LEO NAVARRO-MALICDEM)
#