Bongbong Marcos, puspusan na ang paghahanda para sa inagurasyon sa National Museum

Puspusan pa rin ang paghahanda ng kampo ni President-elect BongBong Marcos para sa panunumpa nito sa a-trenta ng Hunyo.

Kahapon, una nang kinumpirma incoming Presidential Management Staff secretary Zenaida Angping na manunumpa si Marcos sa makasaysayang National Museum.

Read More:  Marcos maintains trust in Dizon amid SEA Games probe

Ngayong araw, nag-inspeksyon na ang ilang tauhan ng DPWH para makita ang kasalukuyang estado ng National Museum.

Unti-unti na ring inilalatag ang mga posibleng pagtayuan ng entablado kung saan pormal na idaraos ang inagurasyon ni Marcos.

Ayon naman kay incoming press secretary Trixie Cruz-Angeles, hinihintay pa nila ang magiging opisyal na desisyon mula sa National Museum officials kung hanggang ilang guests ang papayagan sa venue.

Read More:  DSWD extends aid to family of slain motorcycle taxi rider in Caloocan

Matatandaang una nang nag-anunsyo ang National Museum of Fine Arts na magsasara ito mula sa Lunes hanggang sa ika-apat ng Hulyo.
#