PNP, PDEA pinuri ni PRRD matapos masabat ang P3.4 bilyon halaga ng shabu sa Zambales

Ibinida ni Pangulong Rodrigo Duterte ang matagumpay na pagkakasabat ng mahigit P3-bilyon na halaga ng shabu sa Zambales kahapon.

Sa kanyang Talk to the People ngayong umaga, pinuri ng Pangulo ang mga operatiba ng PNP, PDEA at iba pang law enforcement agencies dahil napigilan umano nitong maipakalat ang nasa 500 kilos ng iligal na droga.

Read More:  Cayetano vows minority bloc will continue work after Villar’s exit

Nabatid na napatay sa naturang operasyon ang apat na mga Chinese national na sinasabing nagpapatakbo sa iligal na kalakalan ng droga.

Kabilang dito sina Gao Manzhu, 49; Hong Jianshe, 58; Eddie Tan, 60; mula sa Fujian, China; at, Xu Youha,50, naman mula sa Quezon City.

Read More:  House approves P7.2-trillion 2027 national budget on second reading

Tiniyak naman ng Pangulo na patuloy ang paglaban ng kanyang administrasyon kontra illigal drugs hangang sa huling araw ng kanyang termino.