LEGAZPI CITY – Inihayag ni Rommel Negrete Jr, Ph.D., ang Municipal Government Department Head ng Local Government Unit (LGU) Camalig na magsisipagbalikan na mamaya sa kani-kanilang tirahan ang mga evacuess matapos maramdaman ang epekto ni bagyong Jolina sa lalawigan ng Albay.
Ayon kay Negrete, aabot sa 619 na pamilya o 2, 154 individual ang lumikas dahil sa bagyong Jolina kung saan inaasahan ngayon araw ay magsisipag-uwian na ang mga ito.
Aniya, nasunod naman ang minimum health standard protocols sa loob ng mga evacuation center.
Namahagi rin umano ng tulong ang Lgu ng relief goods sa bawat pamilya bilang pananatili ng mga ito sa evacuation.
Karamihan umano sa mga nagsilikas ay nasa lahar prone areas, flashflood, at landslide prones areas.
Sinabi ng opisyal, layunin pa rin ng Lgu na makamit ang zero casualty dahil dito ipinatupad ang agarang paglikas ng bawat pamilya nitong nakaraang araw sa nasabing bagyo.
Samantala, bukas na muli sa publiko ang pagkuha ng Letter of Exception (LOE) at Travel pass of authority ngayon araw matapos ikansela kahapon ang pagkuha ng nasabing permit dahil sa epekto ni bagyong Jolina.
Base sa tala ng LGU, aabot na sa 1, 351 ang kumuha na ng travel pass habang 482 ang LOE.