PNP, pagaganahin ang kanilang Task Force Manila Shield sa SONA ni PBBM

Maglalagay ng border control ang Philippine National Police sa mga kalapit na pobinsiya at lalawigan ng Metro Manila.

Ayon kay PNP Public Information Office Chief Col. Jean Fajardo,
pagaganahin ng PNP ang kanilang Task Force Manila Shield para matiyak ang mapayapang SONA ng Pangulo sa Lunes.

Read More:  House of Representatives impeaches VP Sara Duterte

Ito’y sa pamamagitan aniya ng tulong ng augmentation forces mula sa Police Regional Office 4A o Calabrazon at Police Regional Office 3 o Central Luzon.

Habang maglalatag din ng mga checkpoint dito sa Metro Manila upang higit na mabantayan ang mga papasok at lalabas ng kalakhang Maynila.

Read More:  SP Cayetano confirms Sen. Bato no longer inside Senate building

Samantala, sinabi rin ni Fajardo na makakaasa ang publiko na tutulong ang pulisya sa pagmamando ng trapiko lalo na sa bahagi ng Commonwealth Ave at Batasan.

Samantala, sinabi ni Fajardo na hindi nila paglalapitin ang mga Pro at Anti govt protesters.