NAGA CITY- Kahirapan ang dapat na mas tutukan ng administrasyong Marcos Jr. ito ay ayon sa Bayan Bicol kaugnay ng napapalapit na State of the Nation Address (SONA).
Nasasadlak sa hindi magandang kalagayan ang mga manggagawang Pilipino dahil sa inflation, minimum wages na maliit o mababa, kakulangan sa empleyado at mga programang hindi napapatupad ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., Ayon kay Nelsie Rodriguez, Spokesperson ng Bayan Bicol wala pa umanong mga pangako si PBBM ang naipatupad sa Camarines Sur.
Samantala, maraming mga pangako at mga programa ang pinopondohan ng bilyon bilyon na hindi naman akma sa totoong hinihingi ng bawat residente at manggagawang Pilipino sa Pilipinas gaya ng pagpapatupad ng imprastraktura at mga kalsada na hindi naman ang pinaka importante at kailangan ng ating mga mamamayan. Pagbibigay diin nito kailangan na magkaroon ng trabaho, pagpapaunlad ng agrikultura at pagtitiyak na may pagkain sa hapag ng bawat pamilyang Pilipino.
Nitong mga nagdaang buwan, una nang bumisita si Pangulong Marcos Jr sa lalawigan na nanguna sa distibusyon ng mga ayuda sa mga magsasaka at iba pang sektor.