Wi-nelcome ng National Task Force on the West Philippine Seaang resulta ng SWS survey na nagpapakita na 60 porsyento ng mga Pilipino ang naniniwala na “sufficient” ang Joint patrols sa West Philippine Sea.
Ayon kay NSC Spokesperson Assistant Director General Jonathan Malaya , ipinapakita ng survey na karamihan kundi lahat ng mga Pilipino ay may kamalayan sa mga isyu sa WPS at sa kahalagahan nito sa pangmatagalang kapayapaan, seguridad at kaunlaran ng bansa.
Bukod dito, lumabas aniya sa survey na pinapahalagahan ng mga mamamayan ang paggamit ng “non-escalatory” at “non-aggressive” na paraan para lutasin ang pag-aagawan ng teritoryo sa WPS kabilang ang pagsasagawa ng “Joint patrols”.
Batay sa resulta ng survey, 72% ng mga Pilipino ang pabor sa pakikipag-alyansa ng Pilipinas sa ibang mga bansa sa pagtatanggol ng pambansang teritoryo at economic rights sa WPS.
Tiniyak ni Malaya na patuloy na isinusulong NTF-WPS ang diplomasya at multi-lateral cooperation sa pagtugon sa anumang hindi pagkakaunawasa pagitan ng mga bansa.