PNP – ‘No vaccine, no job’ policy sa mga pulis

Magpalabas ang Philippine National Police ng memorandum na nagbabawal sa mga unvaccinated personnel na magreport sa duty, alinsunod sa resolusyon na inilabas ng Inter-Agency Task Force (IATF).

Ayon kay PNP chief General Dionardo Carlos, ginawa nila ang lahat para mahikayat ang kanilang mga personnel na magpabakuna laban sa COVID-19.

Read More:  COVID-19 cases in the Ph down 70% compared to last year

Bagama’t naiintidihan nila na ito ay kanilang personal choice, pero ang prayuridad umano ngayon ng organisasyon ay ang kapakanan ng publiko, sa panahon ngayon ng pandemya.

Read More:  Marcoleta transferred to Quezon City Jail after hospital clearance

Mababatid na sa ilalim ng IATF Resolution No. 148-B, kailangan irequire ng lahat ng mga establisyemento at employers sa public at private sectors na fully vaccinated laban sa COVID-19 ang kanilang on-site workers.