Hindi palalampasin at papatawan ng pinakamabigat na parusa ng batas ang mga indibidwal na nasa likod ng pagopapadala ng 20 Pilipina sa Cambodia para gawing surrogate mothers.
Ayon kay DMW Secretary Hans Leo Cacdac, iniimbestigahan na nila ang isang Filipino recruitment agency na dawit sa human trafficking.
Giit pa ni Cacdac, kailanman ay hindi pinahihintulutan ang pagpapadala ng mga OFW para sa ganitong uri ng trabaho.
Tiniyak naman ng DMW ang tulong para sa mga nasagip na biktima.