Muling binalaan ni Philippine National Police OIC Lt. Gen. Vicente Danao Jr. ang may-ari ng SUV na nanagasa sa isang security guard sa Mandaluyong City na sumuko na.
Sa panayam, sinabi ni Danao na kung hindi naman si Jose Antonio San Vicente ang tunay na nakasagasa sa biktima ay wala itong dahilan para magtago.
Lumabas din anila sa kanilang record na hindi pala ito ang unang pagkakataon na nasangkot si San Vicente sa road violations.
Sa kanya raw pagkakatanda ay ito na ang ika-apat na beses na may nangyaring paglabag sa kalsada ang may ari ng SUV.
Samantala, bago pa man ang hiling ni Prosecutor Gen. Ben Malcontento sa DoJ na maglabas ng ILBO laban kay San Vicente, una nang sinabi ni Danao na tuloy ang kanilang paghahanap dito at sa mga posible niyang pinagtataguan.
#