COMELEC, inumpisahan na ang paghahanda sa Barangay at SK elections

Sinimulan na ng Commission on Elections (COMELEC) ang paghahanda para sa nakatakdang Barangay at SK elections sa Disyembre.

Ayon kay Comelec acting spokesman Rex Laudiangco, si Commissioner Rey Bulay ang mangunguna para sa administrative at operational preparations ng local elections.

Kaugnya nito, sa susunod na buwan, Hulyo, target ng COMELEC na magpatuloy ang voter registration para sa barangay at SK election.

Read More:  Ombudsman complaint filed vs ES Ralph Recto over alleged ₱167-B fund transfers

Ang tentative dates ng voter registration ay Sa July 4 hanggang July 30.

Bukod dito, kabilang din sa ginagawang paghahanda ang drafting of implementing resolutions, procurement ng ballot papers at ilan pang election supplies.

Read More:  DSWD, PNP build case vs fake Pampanga collapse survivor

Muli ring pinag-aaralan ng poll body ang health protocols na kailangang ipatupad batay sa pakikipag-ugnayan nila sa Inter-Agency Task Force.

Mababatid na base sa Republic Act 11462 na nilagdaan ni Pangulong Rodrigo Duterte, ngayong December 2022 itinakda ang pagsasagawa ng nasabing eleksyon.
#