PNP, nagpatupad ng balasahan sa ilang opisyal

Nagpatupad ng balasahan sa ilang opisyal ng Philippine National Police.

Limang heneral ng PNP ang binigyan ng bagong posisyon ilang araw matapos italagang PNP Chief si PGen. Benjamin Acorda Jr.

Ang mga heneral na nabigyan ng mga bagong post ay kinabibilangan nina Brig. Gen. Vincent Calanoga, Brig. Gen. Rommel Marbil, Brig. Gen. Jose Nartatez Jr., Brig. Gen. Limuel Obon at Brig. Gen. Roger Quesada.

Read More:  Palace urges INC to guard against destabilization efforts

Mula sa Office of the Chief PNP (OCPNP), si Calanoga ay itinalaga bilang Director ng Police Regional Office na nakabase sa Tacloban City. Papalitan niya ang posisyon ni Gen. Marbil na na-reassign sa Directorate for Comptrollership (DC).

Read More:  BINI named Philippines’ new tourism ambassadors

Ang DC ay babakantehin naman ni Gen. Nartatez, na itinalaga bilang Chief ng Directorate for Intelligence (DI).

Mahigit isang linggo lang nagsilbi si Nartatez bilang pinakamataas na opisyal ng PNP Intel, simula noong April 20.

Si Gen. Obon ay tinanggal sa kanyang puwesto sa Bicol na nakatalaga sa OCPNP. Siya ay papalitan ni Gen. Quesada.//CA