PBBM: hindi lulustayin ang MIF sa mga magarbong gastusin

Ipinaliwanag ni Pangulong Bongbong Marcos ang layunin at kung saan gagamitin ang Maharlika Investment Fund itong punahin ng mga kritiko.

Ayon kay Marcos, malayo sa katotohanang gagamitin ang pondo sa  mga ‘lavish cars’ dahil mayroong maayos na paglalaanan ang mga revenues na makukuha sa kauna-unahang sovereign fund ng Pilipinas.

Read More:  PH files diplomatic protest against China over ‘monkey’ video

Dagdag pa nito, nakatuon ang MIF bill sa mga kritikal na sektor na napababayaan na, at patuloy rin nilang hahanapin ang mga ‘pressure points’ kung saan dapat ilalaan ang pondong makukuha sa MIF.

Read More:  Marcos maintains trust in Dizon amid SEA Games probe

Sa huli, tiniyak ng Pangulo na pananatilihin ng gobyerno ang transparency dahil ima-manage ito ng mga ‘highly-competent personnel na may magandang track record.