DepEd, inilunsad ang MATATAG curriculum

Inilunsad ng Department of Education (DepEd) ang adjusted K to 10 curriculum, at tinawag na ‘Matatag Curriculum’ matapos ang dalawang taong pagsusuri.

Ayon kay Vice President at DepEd Secretary  Sara Duterte, nag-umpisang siyasatin ng ahensya ang kurikulum dahil nakakaalarma ang mababang antas na nakuha ng mga Pilipinong estudyante sa national at international na pagsusulit.

Read More:  ICC prosecution drops one incident from Duterte case

Dagdag pa ni Duterte, ang adjusted curriculum ay lilinang sa non-violent actions at conflict resolutions ng mga mag-aaral.

Read More:  OVP’s ₱785.2 million budget passes Senate committee in 16 minutes

Mababatid na pito ang learning areas sa kasalukuyang sistema, habang sa adjusted curriculum lima na lamang  partikular na rito ang Language, Reading and Literacy, Mathematics, Makabansa, at Good Manners and Right Conduct (GMRC).