PNP, may ikinakasa pang kasong obstruction of justice laban sa ilang opisyal at miyembro ng KOJC

May ikinakasa pang kasong obstruction of justice ang Philippine National Police laban sa ilang opsiyal at miyembro ng Kingdom of Jesus Christ ni Apollo Quiboloy.

Kasunod ito ng pagsasampa ng Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) ng kasong sedition at inciting to sedition laban kay Atty. Israelito Torreon, legal counsel ni Quiboloy, at iba pa dahil sa umano’y pag-uudyok sa mga tagasuporta nito na magmatigas sa pamahalaan.

Read More:  VP Sara Duterte denies Gracioso cash delivery claims
Read More:  DA says super El Niño won’t trigger food crisis as government prepares rice imports

Ayon kay PNP Public Information Office Chief BGen. Jean Fajardo, documented ng pulisya ang mga pagdedenay na wala sa naturang compound o sa Davao City si Quiboloy at nagpaantala sa operasyon ng mga otoridad na tumagal ng 16 na araw.