PNP Malilipot patuloy ang pagbibigay ng crime prevention tips sa publiko

LEGAZPI CITY- Patuloy ang pagbibigay ng Philippine National Police Malilipot ng crime prevention tips sa publiko upang mapanatili ang kaayusan at maiwasan ang ano mang krimen lalo na pagdating sa mga kasong panggagahasa sa nasabing bayan.

Ayon kay Police Lieutenant Agnes Orencia, pumupunta ang kanilang samahan sa mga barangay upang maipaabot ang kanilang mga programa, kabilang rito ang “Bantay Kaisipan, Kalusugan Sa Mga Kabataan Tungo Sa Magandang Kinabukasan”, kung saan sakop nito ang mental health, career driven at iba pang paraan upang mabigyan ng solusyon ang mga problemang kinakaharap ng mga nasasakupan nito.

Read More:  Two NPA rebels surrender, arms cache recovered in Bicol
Read More:  Six student interns injured after falling from hitchhiked truck in Bukidnon

Dagdag pa ni Orencia, nakikipagtulungan rin umano sila sa iba’t-ibang opisina, pribadong sektor, at sa kumunidad upang matutukan ang mental health at skills development ng mga kabataan.

Binigyang paalala rin ni Orencia ang mga publiko na patuloy na maging positibo sa buhay at suportahan ang bawat isa.