Inutos ng Philippine National Police sa mga tauhan nito na makipag-ugnayan sa Department of Health upang maiwasan ang magkaibang datos sa mga biktima ng paputok sa Bagong Taon.
Sinabi ni PNP chief Police General Dionardo Carlos na base sa kanilang mga dating karanasan ay mayroon mga biktima ang hindi nag-uulat sa PNP, lalo na kung minor injuries lang naman ito.
Dahil diyan ay sinabi ni Carlos na hindi nalalagay sa police blotter ang mga kaso.
Iginiit ng PNP chief na mahalaga ang accurate na bilang sa mga datos upang ma-assess nila ang resulta ng kanilang kampanya para sa ligtas at maayos na selebrasyon ng Bagong Taon.
