PNP makikipag coordinate sa mga security personnel sa mga paaralan kasunod ng pagpapasabog sa Marawi City

NAGA CITY- Madugong pagpapasabog ang gumulantang sa Marawi City nitong lingo Dec. 3, 2023; apat ang unang napaulat na nasawi sa pagpapasabog ng hinihinalang terorista sa kasagsagan ng misa gymnasium ng Mindanao State University (MSU).

Read More:  14-year-old PWD dies in Cebu house fire

Sinabi sa Brigada News FM Naga ni Naga City Police Office Diector  PCOL Nelson Pacalso, makikipag-ugnayan sila sa mga security personnel ng mga paaralan ang unibersidad kahit na wala namang nakikitang banta sa lungsod, upang magmonitor.

Una nang sinabi ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr na ang pagpapasabog sa Marawi at “senseless and most heinous act” laban sa sibilyan. Ang ilang mga bansa ay nagpalabas ng pahayag ng pagkondena nasa nangyari. Ipinagpapanalangin din ni Pope Francis ang mga nasawi sa nasabing pagpapasabog.

Read More:  24 Chinese nationals arrested in Davao del Norte operation