Mga kasambahay na hindi nasasahuran ng tama magsumbong- DOLE Bicol

CAMARINES SUR- Hindi na dapat bababa sa P5,000.00 ang buwanang sahod ng mga kasamabahay sa Bicol Region, epektibo ito simula noong Disyembre 1, 2023.

Nakasaad ang dagdag na P1,000.00 sa Wage Order No. RBV-21 ng  Department of Labor and Employment o DOLE Bicol.  Ayon kay Regional Director Maria Zenaida Campita , huwag ipagkibit balikat kung kulang ang naibibigay ng employer. Puwede aniya nag sumbong sa Barangay sa Munisipyo at sa DOLE.

Read More:  Caretaker dies after stabbing incident in San Vicente, Palawan

Sinabi rin nito na maganda kung ang isang LGU ay may Kasambahay ay may registry system upang mas mabilis ang monitoring kung may reklamo.

Read More:  How This Family Business in GenSan is Modernizing for a New Era of Doing Business

Nitong Lunes Dec. 4, 2023 humarap sa media si Campita at iba pang mga opisyal ng DOLE Bicol para sa usapin ng wage adjustment.