PNP, maagang naghahanda para sa ‘Undas’ 2021

Naghahanda na ang Philippine National Police (PNP) para sa nalalapit na obserbasyon ng “Undas” o ang All Saints’ Day at All Souls’ Day.

Ayon kay PNP chief General Guillermo Eleazar, inaasahan niya na ang mga chief of police ay makikipag-ugnayan ng maaga sa kani-kanilang mga local government units (LGUs) upang pagplanuhan ang mga patakarang ipapatupad sa mga sementeryo, memorial parks at columbarium lalo na at nasa gitna pa bansa sa banta ng COVID-19 pandemic.

Read More:  Sen. Jinggoy Estrada surrenders to CIDG

Kaugnay nito, pinayuhan rin ni Eleazar ang publiko na pagplanuhan ng maaga ang pagbisita sa puntod ng kanilang mga mahal sa buhay, at icheck ang mga regulasyon na inilatag.

Read More:  DILG chief reveals options given to Jinggoy Estrada as arrest warrant looms

Matatandaan na noong 2020, may ilang LGUs na isinara ang kanilang mga sementeryo at memorial parks dahil sa inaasahan nang pagdagsa ng mga bisita sa gitna ng pagkalat ng COVID-19. //MHEL PACIA-TRINIDAD