Manila Archbishop Advincula, nakarekober na mula sa COVID-19

Nakarekober na mula sa COVID-19 si Manila Archbishop Jose Cardinal Advincula, matapos itong mahawa sa virus noong Setyembre.

Ayon kay Advincula, nakaranas siya ng takot at hirap dahil sa naturang sakit.

Read More:  DSWD, PNP build case vs fake Pampanga collapse survivor

Sa gitna nito, nagpapasalamat siya dahil sa kagalingan na ipinagkaloob ng Panginoon.

Kaugnay nito, hinikayat ng 69-anyos na cardinal ang publiko na magpabakuna, dahil nakakatulong umano ito sa kanya na malabanan ang nakamamatay na virus.

Read More:  Sen. Jinggoy Estrada surrenders to CIDG

Sa huli, nagpaabot ito ng pasasalamat sa mga taong tumulong sa kanya, kasabay ng paghimok sa mga nananampalataya na ipagdasal ang mga may sakit at frontliners. //MHEL PACIA-TRINIDAD