918,450 doses ng donated Pfizer vax mula sa US via COVAX, natanggap na ng PH

Natanggap na ng Pilipinas ang kabuoang 918,450 doses ng US-made Pfizer-BioNTech COVID-19 vaccines.

Ang naturang doses ay ibinigay ng United States at ito ang unang batch ng 1.8 million doses na inihatid sa pamamagitan ng COVAX facility ngayong linggo.

Read More:  Tarriela condemns Chinese media’s ‘monkey’ video allegedly depicting the Philippines

Ang ikalawang batch naman ay nakatakdang dumating sa bansa bukas.

Sa kabuoan, nasa halos 21 million doses ang naibiga ng US government sa Pilipinas, sa pamamagitan ng COVAX.

Read More:  DSWD extends aid to family of slain motorcycle taxi rider in Caloocan

Samantala, as of Oct. 7, kabuoang 47,778,751 doses ng COVID-19 vaccines ang naibabakuna na, simula nang magsimula ang vaccination drive noong March 1, kung saan 25,376,646 katao ang nakatanggap ng kanilang first dose, habang 22,402,105 na ang fully vaccinated. //MHEL PACIA-TRINIDAD