LEGAZPI- Naihatid na ang mga vote counting machines sa lahat ng presinto sa lungsod ng Legazpi sa lalawigan ng Albay.
Ito ang kinumpirma ni Police Executive Master Sergeant Guilbern M. Patacsil tagapagsalita ng Legazpi PNP sa panayam ng Brigada News FM Legazpi na naideploy na lahat ang mga VCMs sa lahat ng presinto para sa nalalapit na eleksyon sa lunes.
Aniya, kaagapay ang PNP para sa maayos na eleksyon at seguridad. Sinisiguro naman ng PNP Legazpi ang kanilang suporta sa COMELEC at sa komunidad.
Samantala, dagdag pa ni Patacsil nakapagtala ang lungsod ng isang ‘violator’ may kinalaman sa Violation of Comelec Resolution 10728 o Comelec Election Gun ban at sinampahan na rin nila ito ng kaso noong noong Abril 27, 2022.