Alternative Learning System Ordinance sa bayan ng Basud lusot na sa ikalawang pagbasa

CAMARINES NORTE- Lusot na sa ikalawang pagbasa ng Sangguniang Bayan noong Lunes ang Ordinansang magpapatibay sa Alternative Learning System (ALS) sa bayan ng Basud, Camarines Norte.

Sa ilalim ng panukalang ordinansa ay kailangang magkaroon ng Local Literacy Coordinating Councils sa munisipyo at sa barangay.

Ang Local Literacy Coordinating Council ay pamumunuan ng Alkalde bilang Chairperson at Co- Chairperson naman ang Bise Alkalde,  Public Schools District Supervisor at PTA Federation President.

Read More:  Missing 19-year-old woman found dead in Cebu

Nakapaloob sa ordinansa ang Recruitment at Training ng mga Barangay Literacy Workers at ang Barangay Learning Center bilang ALS venue at support mechanism.

Sakaling hindi kaya ng Barangay na maibigay ang pinakamababang honorarium na nagkakahalaga ng isang libong piso sa kanilang BLW ay maaari itong pumasok sa  Memorandum of Agreement sa kalapit na barangay na mayroong existing BLC para sa counter parting of funds.

Kukunin sa anumang available na pondo ng LGU sa pamamagitan ng Supplemental appropriation na i- authorize ng Sangguniang Bayan ang kakailanganing halaga para sa initial implementation ng ordinansa.

Read More:  German national dies in Mandaue pension house fire

Pagkatapos nito, ang kakailanganing pondo para sa pagpapatuloy ng implementasyon ng ordinansa ay isasama na sa annual budget.

Layon umano ng naturang panukalang ordinansa na maisulong at mapaganda ang basic education, formal at non- formal sa lahat ng lebel ng lipunan lalo na ang mga out- of- school youth and adults gayundin ang mga tinatawag na underprivileged and disadvantage constituents.