Nakatakdang magtapos sa high-school ngayong darating na May 31, 2022 ang 35 pares ng kambal sa Mansfield Independent School sa isang distrito sa Texas.
Ayon sa pamunuan ng paaralan, aabot sa 2,600 na mga estudyante ng kanilang eskwelahan ang nakatakdang magtapos kung saan 73 sa mga ito ay may kakambal habang may isa namang set ng triplets.
Dahil sa hindi pangkaraniwang pagkakataon, napagdesisyunan ng Mansfield na magdaos ng ‘special graduation ceremony’ para dito na magsisilbi na rin umong ‘farewell party’ para sa mga magkakambal dahil ang ilan sa mga ito ay kinakailangan nang maghiwalay sa kanilang pagtung-tong ng kolehiyo.### JUMEL DELA ROSA, BNFM Bicol