PNP Legazpi Chief umaasang maabot ang zero casualty at zero injury sa pagsalubong ng bagong taon

LEGAZPI CITY -Umaasa hepe ng Legazpi City Police Station na makamit ang zero casualty at zero injury sa pagsalubong ng bagong taon.

Ayon kay Arao, paalala ito sa mga magpapaputok sa bagong taon ay mag-ingat upang hindi madisgrasya o maaksidente pagdating sa paputok.

Read More:  CHMSU graduate tops Army officer candidate class ‘Talagilab’

Aniya, mas nanaisin nito na gumamit na lamang ng alternatibong maiingay upang hindi na ito maputukan sa kamay.
Dagdag pa nito, nagsasagawa ngayon ng roving patrol ang mga kapulisan sa mga nagtitinda ng mga paputok kung saan tinitingnan at iniinspeksyon ng mga ito kung tama ang kanilang tinitinda at hinahanapan ng permit.

Read More:  Three fishing vessels destroyed in fire at MGTR compound in General Santos City

Pakiusap naman nito sa mga magtitinda ng mga paputok lalo na sa pagsapit ng bagong taon na wag ng ilabas ang mga paputok na ipinagbabawal upang wala ng maaksidente sa paputok.

Dagdag pa niya, wala rin naman silang nakukumpiska ng mga ipinagbabawal ng paputok sa mga vendors dahil sa sumusunod naman ang ito.