NAGA CITY- “Kabataan ang pag-asa ng Bayan” ito ang isa sa mga katagang iniwan ng ikikukunsiderang Pampansang Bayani na si Dr. Jose Rizal. Ang tanong ng marami, ganito pa rin ba ngayon?
Sa ika- 125 anibersaryo ng pagkamatay ni Rizal , nakikiusap ang mga health workers sa mga kabataan na huwag maging violators ng health protocols. Sa panayam ng Brigada News FM Naga kay Dr. Melchor Baesa, Municipal Health Officer ng Pasacao Camarines Sur sinabi nitong kahit na halos wala nang naitatalang kaso ng COVID-19 sa lalawigan huwag paring magpabaya at makampante. Hindi pa aniya ito hudyat na bumalik sa dating normal.
Naniniwala rin si Dr. Baesa na hanggang ngayon nanatili ang pagiging pag-asa ng bayan ng mga kabataan, sa kanila kasing bayan mataas ang pagtanggap ng bakuna. Hindi sila nahirapan sa pediatric population. Kaya naman ang Pasacao ngayon ay nakapagbakuna na ng 83% ng kanilang total population. Nalampasan na ang 70% target upang maabot sana ang herd immunity.