BICOL – KUNG mayroong sikat na ‘12 days of Christmas’ mayroon namang ’12 buying tips’ ang Department of Trade and Industry o DTI para sa mga consumers ngayong holiday season.
Layon umano nitong matulungan ang mga Bicolano para sa ligtas at matalinong pamimili ng mga ipanreregalo o ipanghahanda para sa mga salu-salo.
Una, bumili ng mga locally-made products bilang tulong sa mga local entrepreneurs na apektado ng pandemya. Ikalawa, para sa digital consumerism, ugaliin ang “think before you click” habit para hindi mabiktima ng mga bogus o scammers.
Ikatlo, tandaan na ipinagbabawal ang “no return, no exchange policy.” Kung kayat maaaring palitan ang biniling item basta mayroon itong resibo at nasa maayos pang kondisyon. Ikaapat, ugaliin suriin ang label, price tag at expiration date ng mga binibili. Ikalima, kung bibili ng mga pailaw, tiyaking ito ay napa test at may ICC sticker bilang patunay ng kalidad.
Ika anim, mas ligtas ang paggamit ng LED light kumpara sa mga normal napailaw. Ikapito, tiyakin na mga aprubado at ligtas na mga paputok lamang ang bibilhin. Ikawalo, bumili ng mga noche Buena products na sumusunod sa SRP. Ikasiyam, bumili ng mga regalong “long-lasting” o magtatagal. Ikasampu, gumamit ng mga eco-friendly materials tulad ng recyclable ng mga gift wrappers.
Ikalabing-isa, magkaroon ng shopping plan para maiwasan ang panic-buying. At ang ikahuli, kung mamimili online, tingnan ang rating. Review at delivery dates bago mag check out.
Dagdag pa ng DTI-Bicol, kahit pa nga kaliwant kanan ang mga handaan at okasyon ngayong panahon dapat pa rin isapuso na ang tunay na diwa ng holiday season ay pagkakabuklod buklod ng mga pamilya at pagbabagi ng pagmamahal sa kapwa.