PNP, kasama na ngayon sa paghahanap kay Harry Roque

Nakiisa na ang Philippine National Police (PNP) sa paghahanap kay dating Presidential Spokesperson Attorney Harry Roque.

Ito ay matapos ma-cite in contempt sa Quad Committee ng Kamara.

Dahil ito, sa pagkabigo ni Roque na isumite ang mga dokumento hinggil sa operasyon ng iligal na Philippine Offshore Gaming Operator (POGO).

Read More:  1Tahanan distributes metal detectors as Bantay Paaralan Act awaits passage

Sa katunayan, hindi rin ito dumalo sa pagdinig ng Quad Committee.

Ayon kay House Committee on Public Order and Safety Santa Rosa City Representative Dan Fernandez, walang sino man umano ang hihigit sa batas upang i-tolerate ang mga lumalabag sa otoridad ng Kongreso.

Read More:  Palace open to Facebook ban in Philippines

Sa huli, patuloy naman ang pakikipag-ugnayan nito sa National Capital Region Police Office (NCRPO) at sa Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) para sa mabilis na pagka-aresto kay Roque.