Igagalang ng Quad Committee ng Kamara kung ano man ang magiging desisyon ni former President Rodrigo R. Duterte sa magaganap na pagdinig ng Mababang Kapulungan ng Kongreso.
Ito ay matapos padalhan ng imbitasyon hinggil sa isinasagawang imbestigasyon kaugnay sa mga alegasyon ng extrajudicial killings.
Ayon kay House Quad Committee co-chair Surigao Del Sur Representative Chairperson Robert Barbers, hindi nila pipilitin si Duterte na makadalo bilang pagbibigay na rin ng kortesiya.
Aniya, lalo na kung ito ay wala namang kinalaman sa anumang paglabag ng batas.
Sa huli, umaasa na pauunlakan ang imbitasyon ng Komite at ikalulugod ng mga kongregista kung sila ay pagbibigyan ni dating pangulong Duterte.