Halos 1K pamilya – nawalan ng tirahan dahil sa nangyaring sunog sa Tondo Manila

Halos isang libong pamilya ang nawalan ng tirahan dulot sa nangyaring sunog sa isang residential area sa Road 10, Barangay 105, Tondo sa Maynila.

Ayon sa Bureau of Fire Protection (BFP), siyam na gusali ang naapektuhan ng apoy na nagsimula lamang sa isang unit.

Read More:  Sara Duterte vows never to resign as impeachment trial advances

Ang naturang sunog ay mabilis na umakyat at agad na naideklara sa unang alarma hanggang lima sa loob lang ng 30 minuto.

Umaabot sa P2.5 milyong halaga ang kabuuang pinsala nito.

Read More:  Two men sentenced to life in prison for killing Brigada broadcaster Eduardo ‘Ed’ Dizon

Kinumpirma naman ng BFP na walang nasawi sa nasabing insidente at nakapagtala lamang ito ng pitong minor injuries.

Samantala, hindi pa natutukoy ang sanhi ng sunog kaya inabisuhan ang publiko na maging maingat at mapagbantay upang maiwasan ang nangyaring insidente.