PNP, isinasapinal na ang pagpapalabas ng Memo Circular kaugnay ng pag-aari ng semi-automatic rifle ng mga sibilyan

Isinasapinal na ng Philippine National Police ang pagpapalabas ng memorandum circular kaugnay ng pagmamay-ari ng semi-automatic rifle ng mga sibilyan.

Ipinaliwanag ni PNP Civil Security Group spokesperon Lt. Col. Eudisan Gultiano na malapit ng mailabas ang panuntunan sa pagbebenta ng semi-automatic rifles sa mga sibilyan, kaya’t maaari na ang pagtanggap ng mga orders ng mga gun dealers, subalit hindi pa papayagan sa ngayon ang pag-release nito.

Read More:  PSA reports rise in working children in 2025

Pinamamadali ayon kay Lt. Col. Gultiano ni PNP Chief Police General Rommel Francisco Marbil na matapos ang guidelines, kaugnay ng usapin ng pag-aari ng semi-automatic rifles na nakabatay sa RA 10591 o Comprehensive Firearms and Ammunition Regulation Act.

Read More:  DSWD extends aid to family of slain motorcycle taxi rider in Caloocan

Maaring sa linggong ito o sa susunod na linggo maisumite kay Gen. Marbil ang guidelines para pirmahan.