Magkapatid na driver, konduktor ng EDSA Carousel bus – nahulihan ng mga droga at paraphernalia habang pumapasada

Sinalakay ng mga awtoridad ang isang EDSA carousel bus matapos makatanggap ng reklamo sa isang pasahero na sabog o high umano sa droga ang driver at konduktor nito.

Nakitaan kasi ng pasahero ang bus, na biyaheng Monumento hanggang PITX, ng mga droga at paraphernalia sa loob bago ito bumaba.

Read More:  Sen. Pia Cayetano elected new chairperson of Senate Blue Ribbon Committee

Agad itong humingi ng tulong sa station post ng Philippine Coast Guard Special Action and Intelligence Coordination Team (SAICT) para aksyunan.

Sumakay ang mga tauhan ng SAICT sa Ortigas Station upang suriin ang bus, at agad na nakitaan ng isang sachet ng hinihinalang shabu at mga drug paraphernalia.

Read More:  Lawmaker pushes for passage of 5% student discount bill

Nang dumating sa PITX ang bus, nilapitan na ito ng mga awtoridad ngunit tuliro umno ang mga ito at tinnangging sa kanila ang nakumpiskang droga.

Dineretso namana ng bus sa Land Transportation Office sa Kamuning upang ituloy ang imbestigasyon.